Ideal Idol
May 21, 2009
Hindi ko alam kung bakit galit sila kay Kris Allen. May opinyon naman lahat ng tao pero marami talagang (sorry sa term--) MAKITID at iniinsist na sila ang tama. Hindi naman ako papadala dun. I like both singers (erm--artists) cause they're different in their own ways. Adam Lambert didn't fail to amuse me every week. Isa siyang Idol sa hardcore rock, at kung anu-ano pa. I don't care if he's gay. WHO CARES? Kris Allen is an artist himself. His music is my type of music (acoustic, more of alternative) and like Adam, although he of course can't sing his lungs to the highest, still he can mark a song "his." I'm one of those happy people when they announced the top two. Danny Gokey still was great 'cause his voice sound like James Morrison--husky, jazzy, bluesy, that kind of sound (James is actually my BIGGEST FAVORITE "ARTIST" although he's not famous here). But honestly, I choose Kris over Danny. (I'll stick with James though--haha!)
Haha! IDOL FEVER. Nadala lang ako, ang dami kasing violent reactions. Tumatak talaga sakin sa finale yung short song na "I Will Remember You" na video for FORD featuring the top two. Nangibabaw ang boses ni Kris. It was a song with great melody. Also, Kris's duet with [insert that country singer here]. Haha! And who would forgot Adam with KISS? ROCK ON DUDE. Sana binato nalang niya yung electric guitar sa audience o kaya sa camera, baka nasalo ko pa. Haha! And ang galing din nung naggigitara kay Rod Steward. Astig. :) I'm a certified Music Lover, pasensya na I don't stick to a single genre eh. :)
Anyway, congratulations to Kris Allen, Season 8 Idol, and to Adam Lambert for a tough fight. You guys rock! Haha! IDOL FEVER ENDS WITH THIS DOT--->(.)
The Felix Manor
May 12, 2009
Medyo magulo itong post na ito. Pero wala namang chain of events na nangyari kaya ok lang kahit mash-up siya ng konti. Hindi kasi ko nagsulat sa isang notepad document lang. Ganito yun, kasi bawat post may filename na POST+"date today", eh hindi ako makapag'formulate ng bagong document kasi ang daming random thoughts na naisusulat ko kaya nagiging POST+RANDOM+"number" yung mga filenames niya. After I published this i'aappend ko na sila sa isang doc para wala nang clutter sa Blog folder ko. Here are my records for the last week to the recent.
AKALAIN MO NGA NAMAN.
(This was the day after the last post, the aforementioned interview.) Nagpunta kong Makati kanina for an interview. Eh ang bilis, kaya ayun umalis na ko agad. Ang init sa mga kalye ng Makati! Nun ko lang naappreciate ang Cavite dahil maraming halaman. Pero iba ang ugat sa semento. SYET. Buti naka-puting polo ako kanina. Eh sa may tapat ng Lyceum Makati yung pinuntahan ko. Ayun mukha na naman akong HIGH SCHOOL sa porma ko. Haha.
May dala pala kong map na c'n'opy ko sa phone ko. Kaya feeling social ako nun kasi kunwari, may GPS ang phone ko! Yey! Thanks sa Makati Map! Yung brown line yung mini-adventure ko sa Makati nung araw na yun. Medyo malapit lang siya dun sa pinupuntahan naming office sa may Valero.
Hindi ko alam kung bakit ang daming napapatingin pag dumadaan ako sa harap nila. Bakit ganun? Normal lang akong tao. Hindi naman akong artista, at mas lalong hindi ako mukhang tanga. (SANA) Hay dapat ay makonsulta na ang aking doktor. Haha! Sosyal may doktor AMPF.
Tapos ayun, ang haba ng nilakad ko kasi gusto kong dumaan muna ng Glorietta bago umuwi. Wrong move na naman kasi dapat sa kabilang stairs ako ng underpass aakyat, dun sana sa may mga loading stops, pero ang adik ko eh, binaybay ko pa ang kahabaan ng Paseo de Roxas mula PBCom at saka palang ako nakasakay sa may SGV. WHAT THE HELL. MAY MGA NAG-OOJT SA LABAS. Nag-rush ang mga nakakatakot na bagay sa utak ko. Para na naman akong kinurot.
Naisip ko, siguro mukha akong adik pag naglalakad. Madalas kasi mukha kong tulala. Hahaha. --At parang nawalan ng landas. Ganoon kaya yun? Kaya sila nakatingin? Nakakaawa pala ko. AT MAGALING. May awa pa pala sa mundo. Brabo. :)
I HAVE A LITTLE note for Tuesday, but I rather not post it here. Pero to sum it up, I made myself a Multiply account. Wala kasing progress dun sa Facebook, Pending parin siya. ANG LAKAS TALAGA NG LOOB KO. HAHAHAHA. I'm not talking about my former, okay na ko dun, I'll cut all communication between us na, and with that, my Friendster account. Yung ina'add ko, na feeling ko ay nakukulitan na sakin (to think nahanap ko siya both sa Facebook at Multiply!), wala palang yun. Na'ccurious palang ako sa kanya. Di ko lam. I don't want to go back sana sa mga ginawa ko sa past pero, ay EWAN. Hahaha. LOL. >:)
(This happened on, I think, Wednesday.) Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Paano ba naman kasi nag-retire na yung double-deck kasi super messed-up na yung ilalim. Eh hindi naman pwedeng i-retain yung itaas kung saan ako natutulog. It took a lot of space narin kasi dun sa kwarto. At dahil sa pag-dispose ng lumang kama ay sinimulan narin ang paglilinis ng buong bahay. Ang daming pagbabago. Inilabas na sa sala yung computer. Sa kwarto na sina daddy matutulog. Ang sala na ang bedroom ko. Napaka-liit talaga ng bahay na 'to.
Habang nag-aayos kami kahapon ng kwarto, napag-trip'an ko na namang kumuha ng pictures. LOL.
Fourth year high school pa 'ko nung makuha ko 'tong gitara. Sabi ko ito ang gf ko. Hahaha. Kaya kahit ilang beses nang bumuka yung kahoy nito, lagi ko parin nagagawan ng paraang ayusin kasi nga, mahal ko 'to. Sobrang dami narin ng sugat niya. Medyo madalas narin siyang mawala sa tono pero madali na namang ibalik. Kumbaga, kabisado ko na siya talaga. Aminado naman ako na hindi ako sobrang galing tumugtog. Madalas akong mangapa at hindi ako makakatugtog hangga't walang kopya ng chords sa harapan ko kasi madalas, hindi talaga ko maka-memorize ng chords. Dalawa na yata yung clearbook na napuno ko ng chords. Wala rin akong formal learning sa pagtugtog. Nakikinig lang ako ng kanta, tapos I try to distinguish yung sound ng guitar dun, which is so hard except lang kung acoustic naman yung tugtog. Nagsimula ako sa song book na puro luma ang kanta. Nakaka'frustrate yun pero kailangan kasi may guide sa taas, proper positioning ng daliri, tapos basta ganun. Haha. Yung strumming, sariling timing lang yun. Okay rin kung susunod ka sa mismong kanta kaso kung nagsisimula ka, mas maganda kung may sarili kang paraan. Yung pag'pluck medyo matagal pa bago ko na'practice. Nung mapanood ko kasi yung pinsan kong tumugtog, namangha ako ng sobra kasi frustration ko nun yung intro ng 214(Rivermaya). Simula nung marinig ko siya, triny kong gawan ng iba't-ibang slow versions yung mga OPM nung time na yun, considering na napaka-dali nilang tugtugin at na'aaasar narin ako sa mga lumang songs sa song book na yun. Tinugtog ko lahat ng sikat na pwedeng tugtugin. Inaamin kong sobrang talamak narin nun ang pag'gigitara sa kalye namin na halos karamihan ay tumutugtog na. Ako naman, quiet player, kaya ni minsan hindi ko hinangad na magka-audience. Tumutugtog ako para sa sarili ko. Para sa lahat ng gusto kong makalimutan. Para mapawi yung pagod ko. Kahit hindi ako ganun kagaling tumugtog at kumanta, masaya parin ang feeling na marunong ako mag'gitara. YEY.
(Now this part is written recently and sa sobrang randomness hindi ko na marecover lahat but anyway--)
Wala pa pala kong sariling pic sa sarili kong blog. This was taken recently, at dark talaga siya at wala na kong magawa tungkol dun. Nagustuhan ko 'to kaya agad ko siyang ginawang primary(left) sa Facebook. Haha! Hindi ko naman talaga balak kumuha ng shots that night, hinihintay ko lang yung turn ko sa PC at since walang laman yung kwarto kundi puro sahig, napag'tripan kong kunin ang shades at phone at --ENTERING CAMWHORE MODE-- Patay tayo d'yan! LOL. >:)
HINDI po ako Camwhore, Poser, or what-so-ever. Malakas lang ang tama. At wala kong SCANDAL. Hahaha. >:)
AY. May isa kong nakaka'frustrate na realization. HINDI AKO SINGKIT. Hahaha. Na'isip ko lang yun bigla nung isang araw kung bakit hindi. Sabi ko ayos lang pero naisip ko biglang paano kung ganun nga? Haha. BIG DEAL ITO. At mukhang hahampasin ko si Marvin dahil siya lang ang naalala ko na out of nowhere ay sinabing "Singkit ka naman kasi." Kahit na iniinsist ko na hindi eh pinagpipilitan niya. WALA. RIOT. Parang hindi friend. Haha! Kaya isusuot ko nalang ang shades ko hanggang ma'convince ko ang sarili kong hindi talaga. Haha. BIG DEAL. LOL. :)
Last week rin I found a blog ng isang student writer sa UP at tawa ako ng tawa sa mga posts nya. Hahaha. Masyado nang naging popular yata yung blog niya kahit na nasa 2005 palang ako sa pagbabasa. Ayoko ilagay yung link nya kasi medyo LOUD na yung recent posts niya pero IDOL talaga. Field niya talaga ang writing na gagawin ko ang lahat para makapasok lang(haha frustrated). Minsan isa kong writer. Minsan nasa I.T. ako. Minsan tulog ako.
Habang tambay ako ngayon nagagawa kong magsulat. Kapag sobrang busy kasi hanggang pag'oopen nalang ng Notepad at puro checklist ang nagagawa ko.
1. Research. (--Na biglang ma-c'cross out dahil nauwi ako sa pag'Facebook o paglalaro ng Ragna.) 2. Mag'GM ng isang uber dramatic na love quote. (--na hindi ko magawa dahil pag pindot ko palang ng keypad ay tulog na ko, o kaya, walang load.) 3. Gumising ng maaga. (--na hindi possible hangga't walang gigising sakin) 4. Hindi ko na na'type dahil antok na talaga ko.
Kapag busy ba, dapat productive rin? :)
Balak ko sana i'post yung Chapter 1 nung sinusulat kong short story kaso parang huwag muna. Feeling ko pang'libro siya eh. Sinimulan ko yun after kong matapos for the third time yung Half-Blood Prince. Wag mo na ipaalala yung movie dahil I'M REALLY DYING TO SEE IT. Anyway, kaya naging fantasy tuloy yung plot. Pero I'm still adding up twists to the story which I've planned since first year college pa. Ang tagal na pala! Last summer ko lang nasimulan, at Chapter 1 palang ang natatapos ko! YEHEY. :)
May sample print-out page ako. Ginagamit ko yun dati when I want to test the printer's ink. Sosyal nga raw eh kasi it's a piece of story na hindi ko na balak tapusin. Its title was "Chains." Yun naman, may pagka-horror. Naisip kong gawin yun right after kong mabasa yung Da Vinci Code at Angels and Demons. Ang laki talaga ng impluwensiya ng mga libro sakin.
WHEN I SPEAK FILIPINO, I MEAN IT.
WELL hindi naman dahil sa graduate na 'ko ay dapat English na lahat, HINDI ganun. Oh but anyway, people do evolve yes and sometimes, they forgot. LOOK WHO'S TALKING SIR. Screw me. Screw you. But then again, screw you. Ang point ko lang ay sana, wag kalimutan kung saan tayo nagsimula. Let's speak English and Filipino at the same time. Haha.
Being a Filipino is our Pride. Our difference? We grow because we care. WE DON'T PRACTICE GREED. Our first-world counterparts are falling, why, because they live for themselves alone. Be proud! Be different. :)
ANG RANDOM DIBA?
GUSTO MONG TUMAWA NG TUMAWA?
Kapag tambay ka, marami kang maiisip. :)
Laugh Out LOVE.
May 4, 2009
I missed my fun posts. At dahil fun nga, babawasan ko ang English! Yey! Don't english me ha! LOL.
Oh come on talaga! These last few days isa-isa kong binalikan lahat ng posts ko since 2005. There are sixty-six posts all in all. Ang konti. Ilan lang dun yung may sense. At nakakaasar mang aminin, these last two years, ang emo ko. Kaasar! LOL. Ang dami-dami namang pwedeng ikwento, pero puro yung lovelife nalang lagi ang highlight ng topic. OH COME ON TALAGA! :))
Bakit nga ba bitter parin ako?
Ay siya nga pala, nilagyan ko ng titles yung ibang posts! Yun yung mga hindi random.
Going back, ayoko namang ipaliwanag yung pagiging bitter. Hahaha! It's a state, not really an attitude. Eh kasi nga AYOKO TALAGA NG "EX". Para kong sinampal yung sarili ko nung makipagbreak ako. (Ang tapang kasi LOL) Hahaha! Totoo naman kasi tapos nun to make the long story short, kasalanan niya talaga pero ako naman si habol. WHAT THE HELL TALAGA. LOL NA MADAMI. :))
Capitalized yung letters kasi strong emotions. Haha! At yung LOL ay isang malakas na nakakagagong tawa. Hahaha!
Ewan ko ba. Frustrated writer ata talaga ko. At recently nga pinangarap kong magsimula ng career sa technical writing at nagbranch narin mula dun ang mga maliliit na subdreams including ang dream na palibutan ng naggagandahang supermodels sa London. Hahaha. (Basically gusto kong sayangin (SORT-OF) ang apat na taon sa I.T.) Anyway, mahal ko na talaga ang Notepad, at ang mga kapatid niyang sina Word o WordPad. Bago ko magpublish (kahit rubbish man yan), proofreading muna syempre. Konting arte, konting spell check, tapos nakakailang edit pa ko after ko i-publish. Yun ay kapag may sense ang sasabihin ko, o kapag special ang post. Kung random naman bahala na si Blogger dun, o kaya nagddraft muna ko sa Notepad bago ko i-paste sa Blogger. Kaso di ko na alam ngayon ang difference, kasi natatawa parin ako sa dami ng grammatical errors ng sinusulat ko. Wa epek ang proofreading. Dapat ata sa iba ko ipagawa.
Nagsusulat ako ng May 3. Yung last post ko April 25 palang tapos ko na, eh dahil sa proofreading napatagal, tapos humabol pa ng isang paragraph nung May 1. Loko loko talaga ko. Para lang mai-epal na naman ang ex ko sa eksena, eh halos buong post siya lang tinutukoy ko dun eh! Except lang kay Mysterious Exhibit A. Nyahaha. Secret. >:)
Hindi ko sila pinagsabay. LOL. Wala naman akong ka-on dun sa dalawa nung time na yun. Wala kong kasalanan. Haha! 0:)
Ang daming kwentong pwedeng i-share. (Tulad nung nakakahiyang eksena sa graduation! Lumilipad kasi utak ko nun eh may pinaabot sakin at chineck ko naman kung ano yun, tapos iniinsist nya pa (Nung pag-aabutan) na kumuha ako! DUH. CLOSE TAYO? ANG CHAKA. HAHAHA. LOL.) Anyway, Madami ngang kwento. Ayan nawala na ko sa wisyo. LOL. Ayun, nalimutan ko kung ano ko sa totoong buhay. Yung tipong pang-araw-araw. Hindi mo naman kasi ko makikitang nag-eemo ng napakatagal. Ayoko ngang ginagawa yun eh. Nakalimutan ko yung MAGULONG ako.
Siguro masasabi kong ako yung taong gustong masaya yung mga kasama niya. Ayokong nadadala ng personal kong KA-CHORBAHAN (tama ba yung word) yung mga kasama ko. Gusto kong naaaliw sila sakin, sa kahit anong paraan-kung bakit ang gulo-gulo na naman ng buhok ko, sa get-up kong nakakagago, sa mga hirit kong nanggagaling out of nowhere, sa bigla kong pag-enter sa camwhore mode. Ako yun eh. Depende rin sa tao yung jokes ko. Ni hindi nga jokes ang tawag dun, minsan ka'bobohang taglay lang. Haha! Ginawa ko na ata lahat ng mga ka-aliw-aliw na bagay--konyong jologs, mga hirit ng kalye, pati joke ng bading pinatulan ko na. Gusto ko talagang nakikitang masaya sila. Kahit ako,-- TSEH. ANG ARTIH. (words ni Dyei).
Bukod sa pagiging moody, napakadali kong ma-impluwensyahan. Lalo na nung high school, nung nakita kong maganda ang sulat ng secretary namin sa board, aba ginaya ko. NAMIN pala. Hahaha. Talamak na pala nun ang gaya gaya puto maya buwayas. Feeling ko rin nakuha ko yung pagiging moody sa tropa ko, ewan ko lang, feeling lang naman. Isa sa pinakamahirap na ginawa ko ang idescribe ang sarili ko. Parang ang bilis ko kasi magbago.
Anyway binasa ko ulit to mula sa simula, may naisip ako bigla, feeling ko lang kasi kaya ako bitter kasi BITTER DIN SIYA. Haha. Totoo naman kaya, lately nga dinelete nya na ko sa Friendster! LOL. >:)
Pero seryoso yun, nag-Cry Me a River ako nun. Ang gago niya. Pero mahal mo? Oo. Haha! (Patay ako pag may nakabasa nito. Pero feeling ko naman hindi siya nagpupunta sa blog ko.) GOOD w/ an *EVIL GRIN. >:)
Bakit "AYOKO NG EX". Kasi gusto ko talaga, kung sino yung una, siya na yung huli. Nasira plano ko AMPF! Hahaha.
Ang epal ng sulat ko no? Pero sa totoong buhay, tahimik ako, na minsan gago, na madalas, MABAIT. Yun ang description nila sakin. Sana bukal naman sa mga puso nila. Hehe. Eto totoo 'to: Hindi ako manloloko. OHA OHA. I mean prangka ako. Moody lang minsan pero sa sitwasyon, sinasabi ko kung ano yung dapat. Anong pinagkaiba ng "dapat" sa "tama"? LOL. Maloka ka sa kakaisip.
Wala akong galit sa kanino-man. Yun lang pinagtataka ko. (AT HINDI AKO GALIT SA EX KO!!! RRRAAWWRRRR!!!) LOL. Sakin lang kung wala namang ginawa saking masama, eh kung ano siya eh di ganun, wala namang dahilan para magalit ako. Masama kasi talagang magalit. (Santino) 0:)
Speaking of Santino. Haha! Hindi na ko halos nanonood ng TV ngayon, lalo na drama? Naku po. Aatakihin ata ko pag naririnig kong sumisigaw si Agot Isidro! Hahaha! Sa umaga, Spongebob lang, tapos Facebook na. Tapos sa hapon, Jimmy Neutron, tapos Spongebob (Sorry wala na kaming cable), tapos minsan Avatar kapag may American Idol. Tapos ganun na yun, Facebook na ulit ang kaharap ko bago matulog. ANG SARAP MAGING TAMBAY. Haha. Ang isip bata ko talaga. Gumagaan kasi loob ko pag napapanood ko si Spongebob, nakakagago talaga. LOL.
Ang saklap rin ng buhay tambay. Lalo na pag walang love life. Haha. WHAT THE HELL. I mean kung gusto mong tumambay (Vacation, sa may mga trabaho), dapat may pera ka. Kaya gusto narin magtrabaho. At malalaman ko bukas sa interview ko. Haha.
Past 12 MN na. May interview ako ng 11 bukas pero andito parin ako. Impluwensya narin ata sakin yung pagiging late. Ngayong College lang ako naging Nocturnal at late na matulog. Nung High School, maaga pa ko sa TV Patrol. LOL. Ang hirap talaga pag malayo ang bahay. Mahirap mag-budget ng time. Kailangan parati kang maaga. Eh ayoko ng ganun. Hirap kasi ko pag dumadating ako at wala kong mapuntahan, yoko rin ng nakatunganga kaya kung hindi on-time ang dating ko eh tumatawad parin sa grace period. PERO MADALAS MALAS. Lalo na nung isa-isang bumigay lahat ng kalye dito sa Bacoor paluwas ng Maynila. LECHE TALAGA. Gusto kong mag-TELEPORT. LOL. Hindi mo narin ma-predict ang traffic. At patay ka rin pag sumakay ka ng COLORUM. Patay ka talaga sasakay ka ng paulit-ulit. @_@; NO WONDER mukhang hindi plinantsa ang mga uniform ko pagdating ko sa school, magulo ang buhok ko at buringot ang aura ko. Bawal lumapit! Makakagat ang lalapit! :))
Wala na siguro kong kailangang i-proofread dito. Isang nakakarefresh na 2009! Sabi sa Chinese Horoscope maswerte daw love life ko ngayon. Hahaha! WEH? LOL NG PANINIBAGO. :))