It's not supposed to hurt this way.

  Blogger Facebook Twitter Plurk flickr Tumblrr



Farm Ville
August 10, 2009


Di na dapat ako magsusulat pero sa tagal ng trabaho sa Farm Ville, napa'open nalang ako ng Notepad para manggulo na naman sa'yo aking blog. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mag'stay ng madaling araw para lang kalikutin ang mumunti kong bukirin sa Facebook. Sana talaga may option na Auto Harvest, Auto Plow at Auto Seeding, masakit kasi sa kamay magclick ng napakaraming Fallow Land. Ayan kabisado ko na.

Di ko na siguro dapat ulitin lahat ng naikwento ko kay Bes nung isang araw sa Facebook. Nababasa mo naman isip ko diba? Tungkol lang naman yun sa stress parin, as always. Ayoko muna sana magkwento hanggang di natatapos ang pagiging tambay ko, pero habang tumatagal mas lalo ko nararamdaman yung stress, at sense of responsibility. Nawala nga ng konti yung intindihin ko sa love life pumalit naman yung status ko dito sa bahay.

Gusto kong pumunta sa malayong lugar, kasama ang taong masayang makasama ako. Ayun. *Sabay untog ng ulong nananakit sa pader.*

Congratulations! You are now Level 17! You are now known as Super Shoveler! ANAK NG! Ano bang pangalan yan! Maganda pa yung mga nauna eh, lalo na yung Professor of Agriculture, kaso patagal ng patagal nagiging corny! MAN!

Respeto. Hindi naman siguro tamang lokohin mo sya, dahil lang sa ibinigay na nya ang sarili nya sa'yo.

Ang dami ko namang natututunan sa Farm Ville! Haha! Sana sa Wednesday masagot ko yung mga tanong sa exam. At promise bukas, papagupit na ko. Sa tingin ko naiilang talaga si Erpat na makita yung buhok ko, kasi kalbo sya. Ewan ang gulo. Ayoko sana pagupit muna, sayang kasi yung pera, pang'load nalang sana ulit. Naalala ko nung College days ko binigyan ko ng meaning yung pagpapagupit ko ng buhok (minsanan nalang din ako magpagupit nun). Sabi ko, every time papagupit ako, ibig sabihin i'le'let go ko na kung sino mang prospectus ko nun. Hahaha. Ang cheesy, pero hindi ko sure kung ganun nga yung nangyari kasunod nun, o mas bumuti lang pakiramdam ko pagkatapos.

Ayan, ang dami kong medals na nakuha. Bibisitahin ko pa dapat yung nasa Friends list ko kaso pumipikit na mata ko. Bukas nalang, at sana may good news din akong makuha.






Credits

You're at Clarkfend Version 11, Watercolored Sky

Eleven would like to thank DA1 for the backdrop and DA2 for the icons.

Email me for feedback.
Following

About

Jm. 20 y/o. Manila. Bachelor. Provisioner. Blood Elf. Designer. Fanatic. Brains. Talks.
Hater. Silent. Arrogant. Nice. Shallow. Pathetic. True.
Rain & Sunrise. Kisses & Guns. Orange & Violet. Crime & Punishment.

Watercolored Sky is the production of Jmd, freelance at everything. For more information, send me an email.


Hidaka Anime. Jal1x. Audiojock. Clarfend. 2003-2009. All Rights Reserved