Teka Lang
March 31, 2010
8.10 AM - YOSI sa tapat ng Verizon. Hintay-hintay. Isip isip. Ganun talaga ang buhay eh. Blanko. Tawa dito tawa dun. Hopeless na ko sa'yo. Ayoko na. Gusto ko ng umiyak. Tawa dito tawa dun.
8.20 AM - WITHDRAW, Fastbytes. Ang haba na ng pila. Ang init. Isip ng gastos. Budget. Usapang Jollibee, usapang resignation, usapang lakaran.
8.30 AM - Sa wakas. Medyo mainit na talaga, pero ayos lang, gusto kong sumabay maglakad. Nakaisip bumili ng cake, wala kasing celebration nung birthday ni mommy, gusto ko naman syang ibili kahit papaano. Naglalakad na kami. Sa gitna, malapit sa Starbucks nakita ko siya. Kamukhang-kamukha nya si *isa sa mga reason ng post sa ibaba*. Eto na, pinaalala na naman sya sakin. Kalimutan ko na daw itong si present at may darating na. Mahirap yun. Isip sya. Laban! Pagod na pagod na. Iiyak na.
8.40 AM - LAKAD. lakad. Usapang cake. Usapang pagkain. Usapang sweldo na parang alikabok. Alikabok. Init. Tawa dito tawa dun. Usapang walkathon. Usapang random. Naiiyak na ko. Naisip ko si 8.30 AM. Ano kayang pangalan nya? Siya kaya si *isa sa mga reason ng post sa ibaba*? Walang pag-asa. Hindi na siya babalik. Napakalayo na niya.
8.50 AM - 8.30 8.30 Ano bang pangalan mo? Sana ikaw nalang. Sana ikaw na ang magbago. Ilayo mo na ko dito. Mahal ko na kasi siya. Baka ikaw lang ang sagot.
9.00 AM CAB. Sakay sa harap katabi ng drayber. Isang oras na pag-iisip. Liko dito liko doon. Hawak ang cake. Hawak ang cellphone. Katext si tol: TOL AYOKO NA. Katext si kumpare: Ano daw yung hand? Katext sila: good morning quote. Wala na kong emosyon. Ayokong maramdaman nila yung nararamdaman ko. Selfish ako. Ako nalang. Maghintay. Nababagot na. Wala na sa isip ang oras. Baba ng cab. Sakay ng trike. Pasok sa bahay. Happy Birthday. Luha. Hawak ng phone. Paikot-ikot. Puntang SM. Uwi. Lunch. Pahinga. Higa. Yakap ang unan. IYAK. IYAK. IYAK. Gago ka kasi (isip sa sarili, isip sa kanya). Hindi tayo pwede. Tulog. 1:00 PM
30th. Post-paranoidal dilemma.
The Ode of 29
March 29, 2010
It was once, I felt, one of those nerve-wracking days of my life, dwelling both in migraine and apathy, where I came into a deep thought.
Two years.
Does anyone know how to break it? When do you feel that it's time to go? What does the sky's color have anything to do with the clouds in your heart? How bad can things go without losing yourself?
I called someone in my mind but to no expense I still can't hear it. Maybe I just pushed them really hard. Maybe I was just as unreachable as I thought. Even destiny gave up on me. I did and still, I am pushing them away. Was the last one really that bad to break my capacity to trust?
I have had a lot of questions but since I ran away, I've left them. I wear off to answer. I lived with the simple things, the things I cannot have, the things I lived by are the things that still go. I promised not to own, anymore, nevertheless.
By the time I took a break, I was repeating these lines over and over, like a drug-dependent obsessive-compulsive, while holding a crumpled paper in my hand, "I'M HURTING ALL OVER, AND I'M HAPPY FOR YOU."
That one, can always, make or break.
Looking back for another day again, I am still that one who wears a smile. I haven't got much courage to change what makes me invulnerable. I learned the lesson for two years: never let them have you if they would not want you anyway.
Someone did asked me, "Is that why it's so hard for you to trust?" Perhaps, yes. A lot of times, the people you trust the most are the same ones who can pull you down really low, insane, and deliberately blatant.
And they are right, all you got is you.
One Year and twelve months.
Twenty four months.
I straightened out that paper. I remember someone instructing me to crumple a paper with your hand at your back whenever you feel nervy. In life you cannot do it all the time. It's best to be brave at some point, fall back again, and you still have you. This was different. I read what was fading, "I'M HAPPY FOR YOU, AND I'M HURTING ALL OVER."
We need someone.
Someone to love-
and love you in return.
And sometimes,
you'll just crossed paths,
and you'll never meet again,
for all of your life.
Muli
March 26, 2010
I posted this short thought on Facebook. Wala namang specific na taong sinasabi dito. This is a result, na naman, ng observations ko. So if ever tamaan ka man, totoo nga.
HINDI KA NAMAN DAPAT LAGING MABAIT.
Okay lang kung di mo kayang sabihin sa ngayon, o kahit huwag mo na talagang sabihin kahit kailan. Pwede mong i'post sa wall, isulat sa pink paper, o hayaang mag'lakwatsa sa utak mo. Kung ayaw mo sabihin, desisyon mo yun. Kung wala ka talagang laban eh, kahit naimbento pa ang salitang "risk" eh mas gusto ko yata ang tunog ng "pride". -- MINSAN.
Parinig ka. Medyo BASTOS, I mean bastos talaga pero ganun talaga ang buhay. Minsan kailangang magparinig ng tamaan naman ang bulag. No offense/discrimination. Ayoko namang magmalinis, madalas akong bulag, pero anong magagawa ko kung sila yung bingi? TANGA ka na kung tanga. Obvious na, nasabi na, pinagpipilitan mo pa.
Hirap akong magalit. Bobo narin nga kung minsan (kung tutuusin) na isipin na lahat ng tao, mabait, o kaya sabihin na natin, MAY KABAITAN rin naman. Madalas mangyari sakin na kahit sobrang nakakapanggigil na siya at may sungay na talaga pag kaharap ko, maiisip ko paring, "anak parin sya ng Diyos." Totoo nga naman. Sa dinami-dami ng masasamang tao sa mundo, hindi ba masamang maging iba ka sa kanila, I MEAN, ano bang mahirap dun? Pakitaan mo kung sino ka, saka kung gaano ka kabait. Kung hindi ka masaya, edi huwag mong gawin. Kung hindi mo kaya, Ha ha ha!
Isang test of character-- eto totoo. Hindi porket mabait ka, at mabait rin sila sayo eh magkaibigan na kayo. Hindi ganun yun. Ano ba ang kaibigan? Siya siguro yung naiintindihan ka kahit tarantado ka, kahit ano pang pinagdaanan mo. Minsan naimbento rin yung salitang "compromise" na pinaka'paborito ko na yatang salita. Kung mag-away man kayo, madalas nyan pareho nyo pang aakuin yung kasalanan. Pero kung ikaw man yung may kasalanan, ABA MAHIYA KA NAMAN. Hindi rin dapat abusuhin ang kaibigan. KNOW YOUR BOUNDARIES. Ayan ah. Hindi ka dapat magexpect ng benefits, ANO YAN TRABAHO?
Walang kwestyon ang kabaitan sa lovelife. ABA WALA KONG ALAM DYAN. Ang naalala ko lang, kung ano ka, dapat tanggap nya, PERO NAMAN DUDE, AWA NG DIYOS, kung ipagpipilitan mo sa kanya yang baluktot mong paguugali, kesyo ayan ka at dapat mahalin nya yan, IKAW NA!! ---lang ang mag'stay sa relationship na yan, mahal mo naman ang sarili mo diba? NAPASOBRA ka lang. Compromise. Kaya mo bang magbago para sa kanya?
Eto pa, yang dramang yan bawas-bawasan na. Minsan wala naring epekto. Nakakatawa na minsan, madalas nakakabagot na. Kapag ang isang tao, sawa na sa mga ganyang bagay, kahit anong linya mo pa, hinding hindi mags'sink in sa kanya yan. Kung nung una palang totoo na lahat ng sinabi mo, bakit sa huli umaasa kang bumalik pa yung dati nyo? Eto dasal ko sa'yo: Sana mahanap mo yung taong nararapat sa'yo at sana sa susunod, WAG MO NANG PAGTATABUYAN, may awa ka pa ba? Oo ikaw na ang bida, pero ayaw mo ba ng magandang storya?
Hindi naman lahat ng mabait, NAGPAPANGGAP. Character yan eh (iRL=in Real Life), hindi naman dahil sa tinatawag ka nilang mabait eh wala ka ng kasalanan. CHARACTER YAN, masyado kasing holistic ang tao, lahat nalang in general, nakakalimutan na yung uniqueness na tinatawag. Kung katulad ka nila, kawawa ka naman. NO OFFENSE, again. Sa pie chart, kung mabait ka, nasa 50% and above ang goodness level mo TOL.
Balik sa parang "kaibigan". Madali mong mararamdaman yan. Parang ONE-WAY relationship din yan. Hindi sa pageexpect narin eh, pero sa dating ng friendship na yun sayo, nakakapagod na eh, kasi ikaw lang yung bigay ng bigay. AYUN, isang anggulo. Paano kung wala talaga silang maibigay? Itanong mo nalang din sa sarili mo, baka para sa'yo magkaibigan kayo, pero sa kanya--- MARUNONG KA PA BANG KABAHAN?
Sarili mo, kakampi mo. Maging mabait ka sa sarili mo. Yan ang tutulong sa'yo. Kung lagi kang bigo, ibangon mo. Kung madalas kang malungkot, baguhin mo. Kung sino ka, at tanggap ka nila, magpasalamat ka. Kung salot ka talaga't wala ka ng pag-asa, magdasal ka na, PLEASE.
Para sa walang magawa. Para sa bayan. :)