It's not supposed to hurt this way.

  Blogger Facebook Twitter Plurk flickr Tumblrr



The Felix Manor
May 12, 2009


Medyo magulo itong post na ito. Pero wala namang chain of events na nangyari kaya ok lang kahit mash-up siya ng konti. Hindi kasi ko nagsulat sa isang notepad document lang. Ganito yun, kasi bawat post may filename na POST+"date today", eh hindi ako makapag'formulate ng bagong document kasi ang daming random thoughts na naisusulat ko kaya nagiging POST+RANDOM+"number" yung mga filenames niya. After I published this i'aappend ko na sila sa isang doc para wala nang clutter sa Blog folder ko. Here are my records for the last week to the recent.

AKALAIN MO NGA NAMAN.

(This was the day after the last post, the aforementioned interview.) Nagpunta kong Makati kanina for an interview. Eh ang bilis, kaya ayun umalis na ko agad. Ang init sa mga kalye ng Makati! Nun ko lang naappreciate ang Cavite dahil maraming halaman. Pero iba ang ugat sa semento. SYET. Buti naka-puting polo ako kanina. Eh sa may tapat ng Lyceum Makati yung pinuntahan ko. Ayun mukha na naman akong HIGH SCHOOL sa porma ko. Haha.



May dala pala kong map na c'n'opy ko sa phone ko. Kaya feeling social ako nun kasi kunwari, may GPS ang phone ko! Yey! Thanks sa Makati Map! Yung brown line yung mini-adventure ko sa Makati nung araw na yun. Medyo malapit lang siya dun sa pinupuntahan naming office sa may Valero.

Hindi ko alam kung bakit ang daming napapatingin pag dumadaan ako sa harap nila. Bakit ganun? Normal lang akong tao. Hindi naman akong artista, at mas lalong hindi ako mukhang tanga. (SANA) Hay dapat ay makonsulta na ang aking doktor. Haha! Sosyal may doktor AMPF.

Tapos ayun, ang haba ng nilakad ko kasi gusto kong dumaan muna ng Glorietta bago umuwi. Wrong move na naman kasi dapat sa kabilang stairs ako ng underpass aakyat, dun sana sa may mga loading stops, pero ang adik ko eh, binaybay ko pa ang kahabaan ng Paseo de Roxas mula PBCom at saka palang ako nakasakay sa may SGV. WHAT THE HELL. MAY MGA NAG-OOJT SA LABAS. Nag-rush ang mga nakakatakot na bagay sa utak ko. Para na naman akong kinurot.

Naisip ko, siguro mukha akong adik pag naglalakad. Madalas kasi mukha kong tulala. Hahaha. --At parang nawalan ng landas. Ganoon kaya yun? Kaya sila nakatingin? Nakakaawa pala ko. AT MAGALING. May awa pa pala sa mundo. Brabo. :)

I HAVE A LITTLE note for Tuesday, but I rather not post it here. Pero to sum it up, I made myself a Multiply account. Wala kasing progress dun sa Facebook, Pending parin siya. ANG LAKAS TALAGA NG LOOB KO. HAHAHAHA. I'm not talking about my former, okay na ko dun, I'll cut all communication between us na, and with that, my Friendster account. Yung ina'add ko, na feeling ko ay nakukulitan na sakin (to think nahanap ko siya both sa Facebook at Multiply!), wala palang yun. Na'ccurious palang ako sa kanya. Di ko lam. I don't want to go back sana sa mga ginawa ko sa past pero, ay EWAN. Hahaha. LOL. >:)

(This happened on, I think, Wednesday.) Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Paano ba naman kasi nag-retire na yung double-deck kasi super messed-up na yung ilalim. Eh hindi naman pwedeng i-retain yung itaas kung saan ako natutulog. It took a lot of space narin kasi dun sa kwarto. At dahil sa pag-dispose ng lumang kama ay sinimulan narin ang paglilinis ng buong bahay. Ang daming pagbabago. Inilabas na sa sala yung computer. Sa kwarto na sina daddy matutulog. Ang sala na ang bedroom ko. Napaka-liit talaga ng bahay na 'to.

Habang nag-aayos kami kahapon ng kwarto, napag-trip'an ko na namang kumuha ng pictures. LOL.



Fourth year high school pa 'ko nung makuha ko 'tong gitara. Sabi ko ito ang gf ko. Hahaha. Kaya kahit ilang beses nang bumuka yung kahoy nito, lagi ko parin nagagawan ng paraang ayusin kasi nga, mahal ko 'to. Sobrang dami narin ng sugat niya. Medyo madalas narin siyang mawala sa tono pero madali na namang ibalik. Kumbaga, kabisado ko na siya talaga. Aminado naman ako na hindi ako sobrang galing tumugtog. Madalas akong mangapa at hindi ako makakatugtog hangga't walang kopya ng chords sa harapan ko kasi madalas, hindi talaga ko maka-memorize ng chords. Dalawa na yata yung clearbook na napuno ko ng chords. Wala rin akong formal learning sa pagtugtog. Nakikinig lang ako ng kanta, tapos I try to distinguish yung sound ng guitar dun, which is so hard except lang kung acoustic naman yung tugtog. Nagsimula ako sa song book na puro luma ang kanta. Nakaka'frustrate yun pero kailangan kasi may guide sa taas, proper positioning ng daliri, tapos basta ganun. Haha. Yung strumming, sariling timing lang yun. Okay rin kung susunod ka sa mismong kanta kaso kung nagsisimula ka, mas maganda kung may sarili kang paraan. Yung pag'pluck medyo matagal pa bago ko na'practice. Nung mapanood ko kasi yung pinsan kong tumugtog, namangha ako ng sobra kasi frustration ko nun yung intro ng 214(Rivermaya). Simula nung marinig ko siya, triny kong gawan ng iba't-ibang slow versions yung mga OPM nung time na yun, considering na napaka-dali nilang tugtugin at na'aaasar narin ako sa mga lumang songs sa song book na yun. Tinugtog ko lahat ng sikat na pwedeng tugtugin. Inaamin kong sobrang talamak narin nun ang pag'gigitara sa kalye namin na halos karamihan ay tumutugtog na. Ako naman, quiet player, kaya ni minsan hindi ko hinangad na magka-audience. Tumutugtog ako para sa sarili ko. Para sa lahat ng gusto kong makalimutan. Para mapawi yung pagod ko. Kahit hindi ako ganun kagaling tumugtog at kumanta, masaya parin ang feeling na marunong ako mag'gitara. YEY.

(Now this part is written recently and sa sobrang randomness hindi ko na marecover lahat but anyway--)



Wala pa pala kong sariling pic sa sarili kong blog. This was taken recently, at dark talaga siya at wala na kong magawa tungkol dun. Nagustuhan ko 'to kaya agad ko siyang ginawang primary(left) sa Facebook. Haha! Hindi ko naman talaga balak kumuha ng shots that night, hinihintay ko lang yung turn ko sa PC at since walang laman yung kwarto kundi puro sahig, napag'tripan kong kunin ang shades at phone at --ENTERING CAMWHORE MODE-- Patay tayo d'yan! LOL. >:)

HINDI po ako Camwhore, Poser, or what-so-ever. Malakas lang ang tama. At wala kong SCANDAL. Hahaha. >:)

AY. May isa kong nakaka'frustrate na realization. HINDI AKO SINGKIT. Hahaha. Na'isip ko lang yun bigla nung isang araw kung bakit hindi. Sabi ko ayos lang pero naisip ko biglang paano kung ganun nga? Haha. BIG DEAL ITO. At mukhang hahampasin ko si Marvin dahil siya lang ang naalala ko na out of nowhere ay sinabing "Singkit ka naman kasi." Kahit na iniinsist ko na hindi eh pinagpipilitan niya. WALA. RIOT. Parang hindi friend. Haha! Kaya isusuot ko nalang ang shades ko hanggang ma'convince ko ang sarili kong hindi talaga. Haha. BIG DEAL. LOL. :)

Last week rin I found a blog ng isang student writer sa UP at tawa ako ng tawa sa mga posts nya. Hahaha. Masyado nang naging popular yata yung blog niya kahit na nasa 2005 palang ako sa pagbabasa. Ayoko ilagay yung link nya kasi medyo LOUD na yung recent posts niya pero IDOL talaga. Field niya talaga ang writing na gagawin ko ang lahat para makapasok lang(haha frustrated). Minsan isa kong writer. Minsan nasa I.T. ako. Minsan tulog ako.

Habang tambay ako ngayon nagagawa kong magsulat. Kapag sobrang busy kasi hanggang pag'oopen nalang ng Notepad at puro checklist ang nagagawa ko.

1. Research. (--Na biglang ma-c'cross out dahil nauwi ako sa pag'Facebook o paglalaro ng Ragna.) 2. Mag'GM ng isang uber dramatic na love quote. (--na hindi ko magawa dahil pag pindot ko palang ng keypad ay tulog na ko, o kaya, walang load.) 3. Gumising ng maaga. (--na hindi possible hangga't walang gigising sakin) 4. Hindi ko na na'type dahil antok na talaga ko.

Kapag busy ba, dapat productive rin? :)

Balak ko sana i'post yung Chapter 1 nung sinusulat kong short story kaso parang huwag muna. Feeling ko pang'libro siya eh. Sinimulan ko yun after kong matapos for the third time yung Half-Blood Prince. Wag mo na ipaalala yung movie dahil I'M REALLY DYING TO SEE IT. Anyway, kaya naging fantasy tuloy yung plot. Pero I'm still adding up twists to the story which I've planned since first year college pa. Ang tagal na pala! Last summer ko lang nasimulan, at Chapter 1 palang ang natatapos ko! YEHEY. :)

May sample print-out page ako. Ginagamit ko yun dati when I want to test the printer's ink. Sosyal nga raw eh kasi it's a piece of story na hindi ko na balak tapusin. Its title was "Chains." Yun naman, may pagka-horror. Naisip kong gawin yun right after kong mabasa yung Da Vinci Code at Angels and Demons. Ang laki talaga ng impluwensiya ng mga libro sakin.

WHEN I SPEAK FILIPINO, I MEAN IT.

WELL hindi naman dahil sa graduate na 'ko ay dapat English na lahat, HINDI ganun. Oh but anyway, people do evolve yes and sometimes, they forgot. LOOK WHO'S TALKING SIR. Screw me. Screw you. But then again, screw you. Ang point ko lang ay sana, wag kalimutan kung saan tayo nagsimula. Let's speak English and Filipino at the same time. Haha.

Being a Filipino is our Pride. Our difference? We grow because we care. WE DON'T PRACTICE GREED. Our first-world counterparts are falling, why, because they live for themselves alone. Be proud! Be different. :)

ANG RANDOM DIBA?

GUSTO MONG TUMAWA NG TUMAWA?



Kapag tambay ka, marami kang maiisip. :)






Credits

You're at Clarkfend Version 11, Watercolored Sky

Eleven would like to thank DA1 for the backdrop and DA2 for the icons.

Email me for feedback.
Following

About

Jm. 20 y/o. Manila. Bachelor. Provisioner. Blood Elf. Designer. Fanatic. Brains. Talks.
Hater. Silent. Arrogant. Nice. Shallow. Pathetic. True.
Rain & Sunrise. Kisses & Guns. Orange & Violet. Crime & Punishment.

Watercolored Sky is the production of Jmd, freelance at everything. For more information, send me an email.


Hidaka Anime. Jal1x. Audiojock. Clarfend. 2003-2009. All Rights Reserved