Laugh Out LOVE.
May 4, 2009
I missed my fun posts. At dahil fun nga, babawasan ko ang English! Yey! Don't english me ha! LOL.
Oh come on talaga! These last few days isa-isa kong binalikan lahat ng posts ko since 2005. There are sixty-six posts all in all. Ang konti. Ilan lang dun yung may sense. At nakakaasar mang aminin, these last two years, ang emo ko. Kaasar! LOL. Ang dami-dami namang pwedeng ikwento, pero puro yung lovelife nalang lagi ang highlight ng topic. OH COME ON TALAGA! :))
Bakit nga ba bitter parin ako?
Ay siya nga pala, nilagyan ko ng titles yung ibang posts! Yun yung mga hindi random.
Going back, ayoko namang ipaliwanag yung pagiging bitter. Hahaha! It's a state, not really an attitude. Eh kasi nga AYOKO TALAGA NG "EX". Para kong sinampal yung sarili ko nung makipagbreak ako. (Ang tapang kasi LOL) Hahaha! Totoo naman kasi tapos nun to make the long story short, kasalanan niya talaga pero ako naman si habol. WHAT THE HELL TALAGA. LOL NA MADAMI. :))
Capitalized yung letters kasi strong emotions. Haha! At yung LOL ay isang malakas na nakakagagong tawa. Hahaha!
Ewan ko ba. Frustrated writer ata talaga ko. At recently nga pinangarap kong magsimula ng career sa technical writing at nagbranch narin mula dun ang mga maliliit na subdreams including ang dream na palibutan ng naggagandahang supermodels sa London. Hahaha. (Basically gusto kong sayangin (SORT-OF) ang apat na taon sa I.T.) Anyway, mahal ko na talaga ang Notepad, at ang mga kapatid niyang sina Word o WordPad. Bago ko magpublish (kahit rubbish man yan), proofreading muna syempre. Konting arte, konting spell check, tapos nakakailang edit pa ko after ko i-publish. Yun ay kapag may sense ang sasabihin ko, o kapag special ang post. Kung random naman bahala na si Blogger dun, o kaya nagddraft muna ko sa Notepad bago ko i-paste sa Blogger. Kaso di ko na alam ngayon ang difference, kasi natatawa parin ako sa dami ng grammatical errors ng sinusulat ko. Wa epek ang proofreading. Dapat ata sa iba ko ipagawa.
Nagsusulat ako ng May 3. Yung last post ko April 25 palang tapos ko na, eh dahil sa proofreading napatagal, tapos humabol pa ng isang paragraph nung May 1. Loko loko talaga ko. Para lang mai-epal na naman ang ex ko sa eksena, eh halos buong post siya lang tinutukoy ko dun eh! Except lang kay Mysterious Exhibit A. Nyahaha. Secret. >:)
Hindi ko sila pinagsabay. LOL. Wala naman akong ka-on dun sa dalawa nung time na yun. Wala kong kasalanan. Haha! 0:)
Ang daming kwentong pwedeng i-share. (Tulad nung nakakahiyang eksena sa graduation! Lumilipad kasi utak ko nun eh may pinaabot sakin at chineck ko naman kung ano yun, tapos iniinsist nya pa (Nung pag-aabutan) na kumuha ako! DUH. CLOSE TAYO? ANG CHAKA. HAHAHA. LOL.) Anyway, Madami ngang kwento. Ayan nawala na ko sa wisyo. LOL. Ayun, nalimutan ko kung ano ko sa totoong buhay. Yung tipong pang-araw-araw. Hindi mo naman kasi ko makikitang nag-eemo ng napakatagal. Ayoko ngang ginagawa yun eh. Nakalimutan ko yung MAGULONG ako.
Siguro masasabi kong ako yung taong gustong masaya yung mga kasama niya. Ayokong nadadala ng personal kong KA-CHORBAHAN (tama ba yung word) yung mga kasama ko. Gusto kong naaaliw sila sakin, sa kahit anong paraan-kung bakit ang gulo-gulo na naman ng buhok ko, sa get-up kong nakakagago, sa mga hirit kong nanggagaling out of nowhere, sa bigla kong pag-enter sa camwhore mode. Ako yun eh. Depende rin sa tao yung jokes ko. Ni hindi nga jokes ang tawag dun, minsan ka'bobohang taglay lang. Haha! Ginawa ko na ata lahat ng mga ka-aliw-aliw na bagay--konyong jologs, mga hirit ng kalye, pati joke ng bading pinatulan ko na. Gusto ko talagang nakikitang masaya sila. Kahit ako,-- TSEH. ANG ARTIH. (words ni Dyei).
Bukod sa pagiging moody, napakadali kong ma-impluwensyahan. Lalo na nung high school, nung nakita kong maganda ang sulat ng secretary namin sa board, aba ginaya ko. NAMIN pala. Hahaha. Talamak na pala nun ang gaya gaya puto maya buwayas. Feeling ko rin nakuha ko yung pagiging moody sa tropa ko, ewan ko lang, feeling lang naman. Isa sa pinakamahirap na ginawa ko ang idescribe ang sarili ko. Parang ang bilis ko kasi magbago.
Anyway binasa ko ulit to mula sa simula, may naisip ako bigla, feeling ko lang kasi kaya ako bitter kasi BITTER DIN SIYA. Haha. Totoo naman kaya, lately nga dinelete nya na ko sa Friendster! LOL. >:)
Pero seryoso yun, nag-Cry Me a River ako nun. Ang gago niya. Pero mahal mo? Oo. Haha! (Patay ako pag may nakabasa nito. Pero feeling ko naman hindi siya nagpupunta sa blog ko.) GOOD w/ an *EVIL GRIN. >:)
Bakit "AYOKO NG EX". Kasi gusto ko talaga, kung sino yung una, siya na yung huli. Nasira plano ko AMPF! Hahaha.
Ang epal ng sulat ko no? Pero sa totoong buhay, tahimik ako, na minsan gago, na madalas, MABAIT. Yun ang description nila sakin. Sana bukal naman sa mga puso nila. Hehe. Eto totoo 'to: Hindi ako manloloko. OHA OHA. I mean prangka ako. Moody lang minsan pero sa sitwasyon, sinasabi ko kung ano yung dapat. Anong pinagkaiba ng "dapat" sa "tama"? LOL. Maloka ka sa kakaisip.
Wala akong galit sa kanino-man. Yun lang pinagtataka ko. (AT HINDI AKO GALIT SA EX KO!!! RRRAAWWRRRR!!!) LOL. Sakin lang kung wala namang ginawa saking masama, eh kung ano siya eh di ganun, wala namang dahilan para magalit ako. Masama kasi talagang magalit. (Santino) 0:)
Speaking of Santino. Haha! Hindi na ko halos nanonood ng TV ngayon, lalo na drama? Naku po. Aatakihin ata ko pag naririnig kong sumisigaw si Agot Isidro! Hahaha! Sa umaga, Spongebob lang, tapos Facebook na. Tapos sa hapon, Jimmy Neutron, tapos Spongebob (Sorry wala na kaming cable), tapos minsan Avatar kapag may American Idol. Tapos ganun na yun, Facebook na ulit ang kaharap ko bago matulog. ANG SARAP MAGING TAMBAY. Haha. Ang isip bata ko talaga. Gumagaan kasi loob ko pag napapanood ko si Spongebob, nakakagago talaga. LOL.
Ang saklap rin ng buhay tambay. Lalo na pag walang love life. Haha. WHAT THE HELL. I mean kung gusto mong tumambay (Vacation, sa may mga trabaho), dapat may pera ka. Kaya gusto narin magtrabaho. At malalaman ko bukas sa interview ko. Haha.
Past 12 MN na. May interview ako ng 11 bukas pero andito parin ako. Impluwensya narin ata sakin yung pagiging late. Ngayong College lang ako naging Nocturnal at late na matulog. Nung High School, maaga pa ko sa TV Patrol. LOL. Ang hirap talaga pag malayo ang bahay. Mahirap mag-budget ng time. Kailangan parati kang maaga. Eh ayoko ng ganun. Hirap kasi ko pag dumadating ako at wala kong mapuntahan, yoko rin ng nakatunganga kaya kung hindi on-time ang dating ko eh tumatawad parin sa grace period. PERO MADALAS MALAS. Lalo na nung isa-isang bumigay lahat ng kalye dito sa Bacoor paluwas ng Maynila. LECHE TALAGA. Gusto kong mag-TELEPORT. LOL. Hindi mo narin ma-predict ang traffic. At patay ka rin pag sumakay ka ng COLORUM. Patay ka talaga sasakay ka ng paulit-ulit. @_@; NO WONDER mukhang hindi plinantsa ang mga uniform ko pagdating ko sa school, magulo ang buhok ko at buringot ang aura ko. Bawal lumapit! Makakagat ang lalapit! :))
Wala na siguro kong kailangang i-proofread dito. Isang nakakarefresh na 2009! Sabi sa Chinese Horoscope maswerte daw love life ko ngayon. Hahaha! WEH? LOL NG PANINIBAGO. :))