The Big Top
June 22, 2009
Saturday. 10 AM. Narealize kong wala talagang laman ang wallet ko. Hindi rin excuse na birthday ko naman enge naman extra. Pero kailangan kong subukan.
Yes. Two hundred. Pwede na 'to, tipid lang tutal may 60 pa kong barya sa wallet ko. SYET TIPID. Tinext ko kaagad si Rm para iinform.
12 NN. Petix parin ako. Gusto ko kasing ihabol yung job level ni Gibb, na Wizard na ngayon, kahit na alam kong hindi tamang nagplantsa ako ng PINK na polo shirt. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na "DUDE, hindi sa Letran ang punta mo, sa GIG dude."
1 PM. Hindi uubra ang conyo sa rakista. Nagplantsa ulit ako after maligo. Isang black at isang white. Pili pili. Sobrang init. Nagtext si Rm na papunta na daw sila sa SM. Dude hurry up.
130 PM. Umalis ako. Naka-white ako. Parang pupunta lang sa mall ang get up ko.
230 PM. Nakasakay na kami ng Baclaran. DUDE ANG TRAPIK. Syempre, si Rm kasama ko, obviously, LAUGHTRIP to. At tama nga ko. Lahat ng trip. Tuksuhin sa text si Tine ng UYY SOBRANG CHEESY dahil hindi makakasama at susunduin daw ng boylet, balaking i'SPAM ng text si Jaylyn ng UYY CHEESY MUSTA NA?, at as usual, pag-usapan si Jason at ang kanyang kayamanan. Ang saya talaga sa tropa namin. Ang daming nakakatuwang mga bagay. Normal, pero nakakatuwa. Haha! Syempre di ako nakaligtas. *Mr. Controversial*, *Camwhore of the Night*, *Loudest Veggie*
Ngayon ko lang nalaman na part pala si Ariel ng Chicosci. Haha! Ang bobo. May nakita pa kami ni Rm sa bus. Uy.
4 PM. MRT-3. Edsa-Taft to Ortigas Station. Magkatabi na kami pero kami parin magkatext. Sobrang lakas trip pati yung mga walang kamalay-malay nadadamay. Haha! BULGAR lang talaga si Rm tumawa, I mean, humalakhak. Lahat kasi napapatingin pag bigla syang tatawa. Hahaha! Ako naman, sanay na. Haha!
430 PM. Naglalakad na kaming Ortigas. Dumaan sa tapat ng SM Mega A. Lumipat sa likod ng street. NASAN NA SI METROWALK. Kumaliwa kami sa may MAJOR INTERSECTION. Hindi pala dun yun. Tinuro ko kung san yung building na gold, at yung Ortigas Park na tambayan ng Xception dati. Haha. Bumalik kaming J. Vargas, sabi ko, C-5 yata talaga yun. Tama nga.
Isang AMAZING RACE 'to. Ang catch, makikinig ka lang para malaman mo ang destination. Natunton din namin ang METROWALK. Kaso, nasa kabilang kalye sya kaya kailangan tumawid---ang layo ng tinawiran namin uy.
5 PM. Napunta kami sa ibang stage. Di ko alam tawag dun pero naalala ko lang nagperform si DANITA. Gusto kong lumapit. Nakita ko na si Danita sa TV at alam kong maganda sya. Sayang.
530 PM. Nahanap din namin ang ROCK STAGE. After ng mahabang pila at inspection, nakapasok kami sa loob. Noon ko lang napagtantong maling mali ang get up ko. Haha! Dun sa isang stage kasi, tama lang, pang'chill. Iba ang atmosphere ng Rock Stage. Pang'ROCK talaga.
Darkness. Nandito lahat ng pinagsakluban ng langit at lupa. Mga batang itim. Mga mahal ang kakaibang musika. Mga rakista. Mga rakista. Hindi ako.
Medyo nakakaintimidate lumapit. Nahihiya narin ako kasi first time ko at hindi man lang ako prepared. Pero ANO NGAYON MGA PAKER KAYONG LAHAT. (Inisip ko nalang.) Haha! Pero gusto ko yung audience, magulo. Iskwater daw ang dating pero ganun talaga yun eh. Libre naman kasi yung concert. Naku, conyos beware.
Ibang klase ang musika. I disconnected myself from the others para makinig. I enjoyed everything, kahit nakatayo lang dun buong gabi. Nakakapanginig yung BASS. Nakakachill yung mga sigaw. Kakaiba, pero ayaw mong itigil. Siguro nasobrahan na yung mga tao sa paligid ko ng ganitong musika, kaya ang tawag na sa kanila, mga ADIK.
Hilera. The Ambassadors. Oremuz. Ilan lang sa naalala ko. Napakadaming headbanging, slam'an, at *energy balls* na napakawalan.
Naisip kong hindi kami pwedeng magpagabi. Babae kasama ko.
730 PM. After nung isang band ay umalis na kami pabalik ng Megamall. Kumain muna. Galit-galit sa sobrang gutom. Ni'wrap up lahat ng activity sa araw na yun at tinawanan nalang ang mga bagay na dulot ng paninibago.
9 PM. Uwian na. Salamat Ortigas. Salamat Pulp Mag. Salamat FETE DE LA MUSIQUE 2009-METROWALK.
Di ko masyadong ma'describe dahil hanggang ngayon naninibago parin ako. Pero AYOS. Hehe.